28.1.10



at bonggang bongga ang lola nyo! haa haa. sa kadahilanang maaga akong nagising kanina at wala akong magawa, ayon at nakita ko si mr. gunting na nagmumukmok sa isang tabi na para bagang nagsasabing "wala akong silbi!" sooooo, ginamit ko siya para gupitin ang buhok ko! woo hoo. ang galing ko noh? di halatang medyo hindi maayos ang pagkakagupit. Eh sa hindi ako makapaghintay eh. Ilang araw ko na ring kinukulit ang tito-slash-tita [bakla ok? pew.] na gupitan na nga ako kasi gusto ko maayos ang pagkakapantay ng buhok ko sa ibaba eh sinasabihan lang naman akong mamaya na kaya voila! my very own piece of art. hee hee. pero ipapaayos pa rin ito kasi mukang di pantay ang gupit sa bandang likuran. wag kayong mag-alala, new haircut nga ako pero same old perspective pa rin naman. haha. di na yata ako magbabago. hoo well, patunay ko lang naman ito na may nagagawa pa rin naman akong maganda kahit nag-iisa lang ako. haha. oh sya, cge nah at mag-aaral pa ako. may exam nga dapat ako kaninang 7:30 am. Bio 31.1. pero hindi ako nag take. special exam nalang ako kasi hindi talaga ako nakapag-study. tee hee. XD


No comments:

Post a Comment